Thursday, January 29, 2009

Ano ang Bayan ng Pagsanjan noon

Image from http://makati.olx.com.ph

Indi ko ikakaila, sinilang kami sa isang pamilyang may magandang pagpapalaki at pagpapahalaga sa buhay. May kaya ang pamilya namin (indi po kami mayaman). Umuupa nang maliit na tindahan ng mga feeds at gamot sa hayop. Simple lang ang bayan ng Pagsanjan noon. Halos lahat ng mga tao magkakakilala. Si mama nga pala ay isang businesswoman. Kilala cia ng mga tao don dahil dun cia lumaki. At ako, maliit pa ako noon. Lagi din ako kasama nila mama sa tindahan. Tanda ko pa may isang kahoy na kama sa likod ng tindahan (mejo may pagkaluma narin e), doon ako pinapatulog pag naantok na ako pag tanghali at may kasama pa ako dede ehe, lagi ko kagat kagat ung tsupon ehe. Pag may kostomer na nabili at nkikita ako, sasabihin nila ang ganda ko daw , na kamukha daw si Donita, na mestiza (naks), pero mahiyain ako noon, at ngingiti lng. Ang kalapit na tindahan naman namin ay sila lola erlie na palagi kami binibigyan ng mga candy. Pag minsan dun kami ng lalagi ni ken dahil tindahan nila ay puro candies at laruan. Nung grade school ko, dun kami binababa ni manong (school service) sa tindahan pag tinatamad na ihatid kami sa bahay, dahil nga naman malayo ang cabanbanan sa mismong bayan. Nung nag High school na ako, dun ako palagi na uwi sa tindahan para tulungan sila mama pagkatapos ng school ko. Konting math, at taga sukli. Un lng ginagawa ko. Mabuti indi ako naiinip doon dahil may lumang computer pa sa loob ng cashier room. Ragnarok pa nilalaro ko noon at tinitiis ang lag noon. Xempre, may source pag ubos na card hehhe. Sa Sorbano ako ngpapabili kay Jonathan o kay daniel (mga mtatagal na boy na namin) , sa tapat lng ng tindahan namin. Pero sinusulat ko din mga nagagastos ko sa notebook ni mama para na momonitor ang mga gastusin. Pag wala man ung dalwa sa kanila at may bumibili, ako nalang ngtatakal minsan o pag tinatamad ako at d ko kaya buhatin ang isang sakong bigas, o pag may gwapo at nakkadyaheng lumabas haha, pinapaantay ko nalang sila na dumating. Nalala ko pa na pag mamalengke kami nila ate, ako lagi sinasama ni ate. Halos sa likod lng ng tindahan namin ang maliit na palengke ng Pagsanjan. Eskinita nga lang yun e at masikip, pero lahat ng mga bilihin naandun na. Titingin ka nga lang kanan at kaliwa dahil maraming bilihan don. At pagdating sa pinakadulo, mga karne at isda na nilalako. At may nakatayong isang lugawan. Sa tabi non, andun lagi yung aleng ngbebenta ng gustong gusto ko noon: ang bugok. Kahit sinasabi nila ate na panis na itlog daw yon, ako lagi kong binibili yon pag tao ako sa tindahan. Nalala ko non ang lagi kong gustong bilhing candy , ang Flinstones candy, na nasa mukhang gamot na lagayan.. Indi din ng tagal , may tinayong M&W sa halos katapat ng tindahan namin. Nagpuntahan narin ang ilang mga taong dating nabili sa lumang palengke ng Pagsanjan. Pero malakas parin naman ang palengke kahit papano. Indi ngtagal, nung isang taon lang, binulwag ang dating palengkeng kinalakihan ko noon. Isa na ciang kalsada na walang kalaman laman. Indi na din nagtagal, nagkaron ng isang malaking sunog sa M&W at hanggng ngayon indi pa alam kung sino may kakagawan. Halos lahat din ng mga tricycle driver kilala ko narin. Pagminsan ngpapasundo ako sa kanila galing sa aking Ballet class kay Ate chiklet. Malapit lang ang aking ballet class, sa St. Joseph tapat lng ng Simbahan mismo. Pero ngpapasundo parin ako hehhe dahil nakakatakot narin daw mglakad ng solo sa tapat ng plaza. Ang plaza ng Pagsanjan ay maganda at malawak. Pagka gabi, punong puno ng ilaw ang mga puno, napakaliwanag. Kalapit lang ng Plaza ang simbahan. Sa bayan, ngtatayuan ang mga antique na mga bahay. Para kang bumalik sa panahon ng Kastila. Magaganda at may halong moderno at luma ang mga bahay. Sa daan, may mga posteng (mejo antique ang dating) na nagpapaliwanag sa daan ng Pagsanjan. Ang gandang tingnan ng bayan pag gabi dahil sa mgagandang ilaw at tahimik. Ligtas ang bayan dahil narin sa palagiang pagpapatrolya ng mga pulis at tourist police sa bayan. Ngtayuan ng mga hotel at resort sa bayan dahil sa sikat na Pagsanjan Falls. At pagdating ng umaga, balik trabaho na ulit ang mga tao doon. Mababait ang mga pagsanjeno. Simple lang ang buhay. Bago ka makarating sa lumang arko ng pagsanjan, may mga tambay sa daan (dispatcher na cgro) at walang sawayng sinisigaw sa mga mukhang mamamhaling sasakyan "pols pols" na halos ganun nalang naririnig ko palagi pag napunta kami sa tindahan namin. At sa d kalayuan sa bayan ng Pagsanjan may remote na lugar doon kung san din nadaan ang mga sasakyan. Marami nga palang mga palayan at bundok doon. Puro berde nalang makikita sa kagandahan. Nung itinayo ang Areza mall kasama ang Goodwill at Jollibee, nagdamihan na ang mga tao doon. At sa likod noon ang bagong wet market ni Mayor E.R kasama ang Binguhan doon na dinayo din ng maraming matatanda at walang magawa sa buhay hehe. Pag naglagi ka sa labas na kainan ng Jollibee, matatanaw mo ang kagandahan ng lugar dahil puro berde at puno, at preskong hangin. At dahil may intersection sa Jollibee papuntang bayan at isa papunta sa barangay ng Cabanbanan kung saan kami nakatira, isang remote na lugar ng Pagsanjan.

No comments:

Post a Comment

Thank you for droppin' by my blog. I appreciate each comment and it means a lot to me. <3 ^__^v


xoxo

teli


 photo blogby.jpg