Thursday, January 29, 2009
Si ken
Malabo ang mga nakaraan pero malinaw kong naalala ang isang pangyayari at mga bagay na tumanim na sa utak ko. Ang mga bagay na ito ang ngbibigay ng kahulugan sa akin tungkol sa buhay na indi ko maintindihan hanggang ngayon..
Naalala ko pa nung ako ay 3 years old palang. Naglalaro kaming mgkakapatid sa loob ng kwarto. Ako ay laging saling pusa kasi ako ang pinakabunso palang noon. Napadungaw ako sa isang maliit na kama. Sa akin, kama yon. Isang sanggol ang naandon, tuwang tuwa sila mama habang kinakausap yon. Indi ko alam kung ano yon, o kung sino yon. Sa pangyayaring un, naramdaman ko ang selos. Dati rati'y ako ang pinapansin, ako ang kinakalong. Ngayon may iba na. Ako ay isang bata palang noon, walang kaalam alam na kadugo ko pala yon,na kapatid ko pala yon.. ang sanggol na iyon ay si ken. Habang dumating ang mga araw, lagi ko siya inaaway. Umiiyak lang siya at ng susumbong kila mama. Pero indi ako nakakatanggap ng mga palo buhat sa kanila. Habang tumatagal, lumalaban narin si ken. Kaya ako naman mabibigat na salita binibitaw ko na lalong ngpapainit ng away ng pusa't aso hehe. Nghahabulan pa kami sa loob ng bahay habang naiyak haha! Xempre ako talo, ako matanda e. Lagi sinasabi nila mama wag ko aawayin kapatid ko, at balang araw kami mgiging mgbestfriend paglaki..dumating ang mga araw, tama nga sila. Indi ko din napapansin pero nagiging mabait si ken. Siguro nga ganun tlg pag ate ka hehe. Ngayon, pag may mga bagong music, balita sa school , laro , mga movies at gimick etc. kami lagi mgkasama. At pag aalis kami, lagi tinatanong nia "sama ka ate?". At lagi nia tinatanong sa akin kung ok ba daw buhok nia, katawan nia, kung pumuputi na daw cia (malamang gusto ata nun na mas maputi pa cia sa akin eheh) at mga advices para sa panliligaw (abah, ako pa tinanong). At pagmagkasama kami, parang talagang maliit na bata (kasi may ate e hehe). Pero xempre iba pag kasama nia mga kaibigan nia. Puro joke at katuwaan sa bahay pag nauwi kaming 3 nila kuya el at ken. Nakakataba ng puso dahil ngkaron ako ng kapatid na ganun, pati narin ang mga kuya ate ate ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Thank you for droppin' by my blog. I appreciate each comment and it means a lot to me. <3 ^__^v
xoxo
teli