Thursday, January 29, 2009

Ang buhay Montessorian (Grade School)


With teacher Lynn, during UN day

Nung grade school days ko sa Montessori, sobra akong tahimik. Indi ako naimik talaga. Iilang salita lang nasasabi ko sa isang araw eheh. Iyakin ako noon. Iiyak muna ako bago ako pumasok sa school araw araw. Ayokong iniiwan ako sa school na yon. Ewan ko ba, parang lahat terror. Nung Grade1 ako, si teacher amy (d ko tanda ung name) ang kasa-kasama ako sa unahan ng classroom habang ng tuturo (o db, favorite? hehe!). Wala pa ako kakilala noon, o walang balak kilalanin mga kaklase ko noon. May lumapit na batang babae sa akin, pangalan nia ay Ethel. Lagi nia ako kasa-kasama at magkahawak kamay namin (kahit na mapasma at basa ang kamay nia ehehe). Nung araw na yon, nagkaron na ako ng unang bestfriend sa school. Napakabait nia. Xia ang boses ko pag indi ako ngsasalita ahha (ediba napakatahimik ko noon). Magkasama kami mula Grade 1 - Grade 5. Inaasar ko cia noon na Itlog (dahil un asar sa kanya) at tinawag nman akong balde ahha! Indi ko lam bkit balde ahhah!

Habang natagal, lumalabas na ang mga kakirihan namin hehe. Mga crushes noon etc. Alam nia lahat ng crush noon, isa don si Joiada na ka seat mate ko pa. Inaasar pa ako noon pero face down lang ako haha! Si Jayjay naman ang lagi kong ka partner. Xia laging Escort ng class at ako ang Muse. Indi ko alam bakit ako galit na galit sa kanya noon. Naalala ko nung ngbigay sia ng love letter sa akin at nakalagay ay " i know you heat (hate) me, but i dont heat (hate) you." parang ganun ata yon. Pag may mga dance program sa school kami lagi pinapartner. Ang kay Ethel naman ay si Rustan, na bilib na bilib ako sa dalwang yon dahil mula Gradeschool hanggang High school (o khat mg kacollege ata) e sila parin. Nakkatuwa dahil indi ko akalain na ang dating tinitipuhan lang ni Ethel noon ay magiging kasintahan nia rin paglaki. Pero indi din ng tagal ang relasyon nila nung huling nabalitaan ko nlng kay Rustan last year lang..

Anyway, naging consistent Achiever ako mula Grade1-Grade6. Nagkaron ako ng interest sa pagaaral at indi ako maalis sa top siguro dahil narin sa kagalingan ng mga teacher na ngtuturo doon. Maraming mababait na teacher doon, isa na don ang iniidulo ko, si teacher Lynn. (alam ko double N un e eheh) Malapit na kaibigan din cia sa pamilya ko. At parang guardian ko sia sa school. Ang school namin ay isang maliit na building palang noon na may dalwang palapag. Wala kang maririnig na salitang Tagalog don kundi English lang. At ang hanay ng mga estudyante doon ay isang deretsyong linya na lahat ay naka 'hands -on the-back' , pag nahuli kang ng tagalog o indi na 'fall in line', pagagalitan ka ni teacher Rosi (ang head principal) o ni kuya Rene at Ate Piel (mga anak nia) or sino mang teacher doon. Iilan lang kami sa isang klase, 30 lng ata na may 2 sections. Nung dumating kami sa Grade 6, indi na kami magkaklase ni Ethel. Xia lagi ko kasama pag break, pag na C.R., pag nagala lng sa labas sa plaza ng school. Indi din nagtagal, nagkaron cia ng mga bagong kasama, pero dinadalaw parin ako sa classroom ko pag tapos na sila at kinakamusta ako. Pero iba parin pag magkasama kami noon. Nagkaron din ako ng bagong kaibigan sa klase ko, isa don si Mary Ann (mean). Cia ang pinakamatalino sa amin (valedictorian), palaban naman tong si Mean dahil sa boses nia pero ok lang. Naging matagal ko nding kaibigan si Gino, si Kristine Joy, Christna, Ericka at madami pa. Isa din don ang manyak na si Alizen. Madami sila na naalala ko ang mukha pero indi ko maalala ang mga pangalan.

At dumating na ang graduation march namin. Indi ko alam na yon na pala ang katapusan ng Elementary days ko, na huli ko naring makakasama si Ethel ang bestfriend ko. Nakaupo lang cia sa harapan ng upuan ko. Nung kinanta na namin ang Grad song namin, napaiyak na ako don. Ngtinginan nalang kami ni Ethel. Marahil yun na ang huling pgkikita namin.

No comments:

Post a Comment

Thank you for droppin' by my blog. I appreciate each comment and it means a lot to me. <3 ^__^v


xoxo

teli


 photo blogby.jpg