Thursday, January 29, 2009

Ang buhay Guevarian (High School)



JEK

(2000-2004) Eto ang isa sa pinakagustong palapag ng buhay ko; ang High School days. Galing sa isang private na school ng Montessori, pinasok na ako sa Public school ng Guevara sa Sta. Cruz Laguna (Pedro Guevara Memorial National High School ang complete name ng school). Ibang iba sa private ang public. Dito, parang nakalabas ako ng hawla ko hehe! Dahil natuto akong mag jeep ng solo, umuwi ng gabi dahil hanggng 7pm ang Biology class ko, at higit sa lahat, ang magkaroon ng bagong kaibigan.

1st year
Tanda ko pa nung unang araw ng klase ng first year ko, ngtitinginan sila sa akin (na ayokong ayoko dahil natutunaw ako). Indi ko alam kung bakit. May isa pa don ng tanon sa akin at english speaking pa, dahil akala nia American daw ako (T_T). Sa mga classmates ko galing Montessori, ako lang ang nahiwalay sa kanila. Sila nasa Special section , ako nasa Section1. Magkakatabi kami nung kumuha kami ng entrance exam. Indi daw kasi ako kumokopya sa kanila kaya ako lng naiwan. Indi pa kasi ako sanay mangopya noon hehe (honest!). Nung pag upo ko sa room namin, wala akong kakilala doon except si Jiana (dahil malapit lang sila sa bahay namin, at ka YFC ko rin cia) pero malayo cia sa akin. Nagsisi nalang ako , sana pala nangopya nlang ako para kasama ko parin mga classmates ko dati. At pag break, may lumapit na babae sa akin, pangalan nia ay Ericka o eka. Madaldal tong babaeng to. Lahat ng bagong classmate namin kilala na cia agad dahil palakaibigan nga. Indi din nagtagal marami narin ako nkikilala at ngiging kaibigan. Namuo ang pagkakaibigan sa aming 4: Camille, Jensen, Jiana at ako. Lagi kami mgkakasama noon pag break sa tapat ng school at ng ccheese stick at siomai. Bawat year level indi ako nawawalan ng crush (kahit pabago-bago) haha! Una don si Nikko. Nalala ko pa noon sa canteen, parang tinulak ata ni mommy camille si nikko sa akin dahil alam niang crush ko un waa. Pero niloloko cia ng iba kay Kim. Mas bagay nga naman sila , at naging sila din hehe.. Meron kami tinatawag na Saudi. Isang malayong lugar ng school kung san ginagawa ang pagaaral sa T.H.E. Electronics, Agri etc..Nakakatakot ang lugar papunta don dahil puro puno at matataas na damo. At pag minsan doon tambay ang mga walang magawang mga lalake, mga manyak, at sisitsitin ka nlng "miss, ano pangalan mo?" Diba? nakakaasar. Kaya napunta ako don ng may kasama palagi. Meron ako naging crush noon si Adamson. Yep alam ng buong klase na crush ko cia hehe! Pero tinutukso ata nilang bading. Ewan ko ba. Kabarangay ko din cia kaya pag minsan sabay kami nauwi nila jiana, jensen, cia at ako. Naalala ko non, may project kaming gagawin e kaming 4 ang magkagrupo. Indi ko alam bakit indi nagpunta si jensen sa bahay at pinasundo ba naman ako kay adamson! wa, kaya ayon, magkasama kaming dalwang naglalakad sa kalsada ehhe!



Swimming sa Slide and Dive
2nd year
Nakilala ko dun si Mika, na pareho kaming may hilig sa pagddrawing ng mga Anime. Indi kasya ang isang araw na puro kwentuhan namin bout fushigi yuugi. Pinahiram ko sa kanya ang drawing pad ko at natuwa naman ako sa ginuhit nia ng Miyaka hehe! At sia nrin lagi ko kasa-kasama pag minsan. Nagkaron ako ng barkada sila sheryl, kym, sharlyn, jiana, rosedee, karen at marami pa.




Field Trip
3rd year
Sumali ako sa Girl's Scout at ngkaron ng marami pang kakilala, sila Jona etc. at handle kami ni ma'am romulo. Ang tanging ginagawa lang namin ay magtanim ng gulay sa paligid ng school at di din natagal ang mga yon dahil sinisira din ng ibang estudyante. Magulo ang Guevara hehe pero ok lng. Kahit papano naging consistent parin ako sa pagiging isa sa mga top sa klase. Nagkaron ako ng bagong bestfriends, si Lovely, eka, gene, at si jacky. Kami ang tinawag na JELKS noon. Marami akong kalokohan noon. Isama pa ang YOBABS sa mga gimickan kahit sa school. Lagi kaming tambay ng NU ang kainan na mura pero sulit sa sarap hehe! Lagi kami tambay sa bahay namin pag maaga pinapauwi, ngkakantahan, nagiingay ehhe! Masaya ang barkada. Noon ko naranasan ang magkaron ng mga tunay na kaibigan, naandian lagi kahit na alam na mali ka kakampihan ka parin, at dadamayan kahit ano pa. Puro kalokohan nga kami noon hehe! Araw araw masayang ang high school days ko. Liban nalang pag nahuling late sa klase ni Mam Fernandez. Hahah! Pagminsan naranasan kong mg cutting class dahil masama pakiramdam ko. Sa katabi ko sa upuan may kachika ako, naku ang maingay na si Nessy. Sobrang daldal ng baklang este babaeng yon haha! Mga kalokohan at trip na ginagawa namin kahit nasa loob ng klase at may guro sa unahan aha! Ilang beses na kami natatawag ni mam fernandez dahil sa maingay kaming dalawa (o db special mention ehhe!) Pero ok lng, indi lang naman sa klase nia kami maingay hehe! Kapag wala kami magawa at inaantay ang guro sa simula ng klase, nglalaro kami mg kakaseat mate ng kahit anong larong maisip. Uso pa noon ang FLAMES, ang pass the message, seven up, marami pa. Nung third year ko, may kinababaliwan kami ni nessy na crush, si Ivan christian. Nasa lower section cia pero ok lng hehe! Indi ko tanda kung cia nga yung nakuhang number ni nessy pero binabalak na ako daw humarap sa kanya, EB ba. Hai naku, kakaloka tong babaeng to o. Naging ka close ko din ri Rachel, sobrang bait na kaibigan, indi talaga ako iniiwan. Marami kami napagkkwentuhang mga bagay bagay. Kahit na alam kong galing sa indi mayamang pamilya si rachel, indi nmn naging hadlang yun para maging kaibigan ko siya. Masaya ako pag kasama ko sya. Pag indi sa tindahan ang uwi ko, ang lagi ko kasabay sila Gene, madel, rachel, aira at jester dahil taga magdalena sila at dadaan muna sa cabanbanan. Pag may mga project sa school, pag indi sa amin ang work place kila gene naman. Nagkakasundo kami ni gene sa paglalaro ng Playstation imbis na mag -aral kaya na papagalitan kami ni madel ehehe!

Marami naring ngsubok manligaw sa akin pero indi pinalad (taray), dahil indi pa ako handa sa ano mang relasyon. Isa na don si Jeffrey na muntik ko na masagot dahil sa halos araw araw nia akong tinetext at kinakamusta kahit nagkikita naman kami sa klase.

Dumating ang Junior prom at excited na excited ako! Suot ko ang pink na damit na galing sa Sari-Sari na binili ni mama sa Festival mall. Mejo may pagkamahal ang damit at naka tube kasi kaya indi ako maxado komportable. Sa loob ng gym ginanap ang prom. Mejo nagkakahiyaan pa ang mga lalake na lumapit sa amin. Dinaan nalang namin sa kwentuhan. Habang unti unting nawawala mga kchika ko, at ako nalang naiwan sa upuan (how sad T_T) may lumapit na lalake sa akin at sinayaw ako, xempre sino pa, si jeffrey. Ayaw nia pa ako paupuin at mga oras na yon may binigay ciang isang silver bracelet na isuot ko daw buong gabi. Si dadats din sinayaw ako, nalimutan ko na kung sino ung iba.




Sa Lagaslas, Narra reunion
4th year
Nung 4th year ko, parang mabilis lang pero ito ang pinakamasaya sa lahat ng hs years ko. Dahil lalong naging close pa ang ties ang barkada. Galaan sila sa labas pag walang pasok etc. Pero never ako nasama sa kanila kasi indi ako papayagan pa. Sumali din ako sa Cheering noon, kasama sila dadats, eka, yobabs at marami pang mga classmates ko. Indi talaga ako marunong sumayaw pero na eenganyo lang ako. Dahil si kuya Sai ang nagtuturo sa amin, nilagay ako sa unahang pwesto waaa na partner ko ay nalimutan ko ang pangalan. Hmm, indi ko maalala ang mga iba pa pero tanda ko noon, pang 2nd kami. Dahil may pa motor-motor pa ang 3rd year noon. Pero na dapat sa amin ang premyo.

Dumating ang senior prom night ko, at eto ang pinakanakakapagod na prom nights ko. Bago yan, ngpuntahan ang barkada sa bahay ko dala ang kanilang mga damit. At dun kami ng ayos, puro kikay at kalokohan parin ehhe! Kami kami lang ng ayos sa sarili namin, at ngpakuha pa ng mga pic sa garden namin. Pagkatapos non, sabay-sabay kaming hinatid ni papa sa school. Ang daming tao agad at ang gaganda din ng suot nila. Naka red cocktail dress ako at naka red high heels (which is, first time ko ng sobrang taas na heels). Pagdating namin sa pwesto ng mga Narra (kami po yun hehe), walang katao tao, puro babae lang. Yun pala, maagang dumating ang mga boys para mag ayos? d ko tanda bakit ehe,basta plano ata nila dadats un hehe. Si Dadats nga pala ang President namin. At dun na nagsimula ang nakakapagod na mga sayaw eheh. Halos lahat ata ng mga lalake sa Narra nasayaw na ako hehe at may mga nkisayaw din from other sections na indi ko kilala at dun lang ng pakilala habang isinasayaw ako. Nakikita lang daw nila ako noon. (Agh, paa ko T_T). Napahinga muna ako at tinawag ako para lumaban daw sa Ms. Prom. Xempre ayoko ahha! Dahil mahiyain ako, matutunaw nalang ako. Pero nagpunta nalang ako at naglakad na parang lasing haha! Romantic ang prom night kasi pinatugtog ang favorite song ko (hmm, siguro indi lang ako ehhe). Natapos ang gabi ng masaya at daming red roses.

Marami ring pangyayari nung 4th year na indi ko na matandaan. At ang huli don ay ang graduation march. Naalala ko nung Grade school ko, nung umiyak ako. Pero ngayon, indi ako napaiyak, dahil alam ko indi ito ang huling pagkikita naming barkada. Ngpilasan na ang mga boys ng bulsa, at kami puro yakap yakap at picture picture. Alam ko magkikita pa kaming lahat.



Our Christmas 2007

 photo blogby.jpg